Kahirapan
Talagang tanyag ang kahirapan
sa ‘di maunlad na mga bayan.
Para ‘tong sakit na kumakalat
na kasimbilis ang isang kidlat.
Ang mga tao ay naghihirap,
nawawala ang lahat ng sarap.
Kanilang pera’y nagsisiwala
pati kanilang mga biyaya.
At dahil sila ay nagigipit,
sila tuloy ay napapakapit
sa kutsilyo at mga patalim.
Kanilang buhay ay dumidilim
Ngunit ano bang mga dahilan
kung bakit tayo’y nahihirapan?
Sino ba ang dapat nating sisihin
sa lahat nitong ating pasanin?
Edukasyon ang isa sa mga dahilan.
Ang tao’y kulang sa kaalaman.
Sila ay hindi nakapagaral
kung kayat sila ay mga hangal.
Tayo ay dapat ding magsumikap
upang magkaron ng hinaharap.
Dapat gumising sa kamusmusan
para sa ating kinabukasan.
Ang katapata’y kailangan din
upang umunlad ang ating bayan.
Ang karunungan ay pagsikapan
upang talino’y ating makamtan.
Ang aral nitong tulang sinulat
ay tungkolsa ‘ting pagiging salat
sa mga biyaya ng ating daigdig
at mga bagay na ating ibig.
Tayo man ngayon ay nahihirapan
‘di natin dapat ‘to pabayaan.
Ang dapat nating pinupuntirya
sa kahirapa’y maging malaya.
Tula
Biyernes, Marso 18, 2011
Lunes, Marso 7, 2011
Mensahe
Manyika
Masdan mo si Juanita
May bitbit na manyika
Mag-isang naglalaro
Kalaro’y hindi tao
Wala itong hininga,
Siya ay nag-iisa
Kasama ang manyika
Sa gilid ng kalsada
Naghihintay ng grasya
Malapit sa basura
Masdan mo si Juanita
Sa mukha’y paghihirap
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)