Kahirapan
Talagang tanyag ang kahirapan
sa ‘di maunlad na mga bayan.
Para ‘tong sakit na kumakalat
na kasimbilis ang isang kidlat.
Ang mga tao ay naghihirap,
nawawala ang lahat ng sarap.
Kanilang pera’y nagsisiwala
pati kanilang mga biyaya.
At dahil sila ay nagigipit,
sila tuloy ay napapakapit
sa kutsilyo at mga patalim.
Kanilang buhay ay dumidilim
Ngunit ano bang mga dahilan
kung bakit tayo’y nahihirapan?
Sino ba ang dapat nating sisihin
sa lahat nitong ating pasanin?
Edukasyon ang isa sa mga dahilan.
Ang tao’y kulang sa kaalaman.
Sila ay hindi nakapagaral
kung kayat sila ay mga hangal.
Tayo ay dapat ding magsumikap
upang magkaron ng hinaharap.
Dapat gumising sa kamusmusan
para sa ating kinabukasan.
Ang katapata’y kailangan din
upang umunlad ang ating bayan.
Ang karunungan ay pagsikapan
upang talino’y ating makamtan.
Ang aral nitong tulang sinulat
ay tungkolsa ‘ting pagiging salat
sa mga biyaya ng ating daigdig
at mga bagay na ating ibig.
Tayo man ngayon ay nahihirapan
‘di natin dapat ‘to pabayaan.
Ang dapat nating pinupuntirya
sa kahirapa’y maging malaya.
Ang tula na ito ay tungkol sa kahirapan na hinaharap ng mga tao. Hindi pwedeng mabuhay kung walang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Ngunit sa kabila ng paghihirap na ito ay nakikita pa rin ang hinahangad ng mga tao na ang pagiging malaya mula sa mga pagsubok na ito na kahit nakararamdam sila ng mga paghihirap ay nagawa pa rin nilang mabuhay..
TumugonBurahinnabuhay kasi lumaban sa kahirapan upang makamit ang tagumpay at kalam sa buhay
Burahintulang dapat na mayroong salawikain kawikaan at kasabihian -_-
TumugonBurahindapat ang tula na ito at tungkil sa mayaman at hirap..."p
TumugonBurahin.
.
.
wlng effnce...
"V" (piece)...puhhuhuhu...
malayo ito sa tulang Hinahanap Ko ero pwde narin xD
TumugonBurahinPamangkin mo ba si keith?
TumugonBurahinInspiring na tula,salamat author!!! Sakit.info
TumugonBurahinSalamat po sa tulang ito, na-inspired po ako
TumugonBurahinNapakaganda ng pagkakagawa... Na inspired ako
TumugonBurahinwooooow unang taludtod palang ang ganda na
TumugonBurahinSino pong author?
TumugonBurahinSumasaklaw sa lahat ng naghihirap
TumugonBurahinPero makamandag ang mga salita.... pwdeng pwde....
Sumasaklaw sa lahat ng naghihirap
TumugonBurahinPero makamandag ang mga salita.... pwdeng pwde....
Sumasaklaw sa lahat ng naghihirap
TumugonBurahinPero makamandag ang mga salita.... pwdeng pwde....
-_-
TumugonBurahin